Mga Awit 99

1 Ang Panginoon ay naghahari: manginig ang mga bayan. Siya’y nauupo sa mga querubin; makilos ang lupa. 2 Ang Panginoon ay dakila sa Sion; at siya’y mataas na higit sa lahat ng mga bayan. 3 Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan: siya’y banal. 4 Ang lakas naman …

Mga Awit 100

1 Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, kayong lahat na lupain. 2 Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan. 3 Alamin ninyo na ang Panginoon ay siyang Dios; siya ang lumalang sa atin, at tayo’y kaniya: tayo’y kaniyang bayan, at mga …

Mga Awit 101

1 Aking aawitin ang kagandahang-loob at kahatulan: sa iyo, Oh Panginoon, aawit ako ng mga pagpupuri. 2 Ako’y magpapakapantas sa sakdal na lakad: Oh kailan ka pasasa akin? Ako’y lalakad sa loob ng aking bahay na may sakdal na puso. 3 Hindi ako maglalagay ng hamak na bagay sa harap …

Mga Awit 102

1 Dinggin mo ang dalangin ko, Oh Panginoon, at dumating nawa ang daing ko sa iyo. 2 Huwag mong ikubli ang mukha mo sa akin sa kaarawan ng aking kahirapan: ikiling mo ang iyong pakinig sa akin; sa araw na ako’y tumawag, ay sagutin mo akong madali. 3 Sapagka’t ang …

Mga Awit 103

1 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko: at lahat na nangasa loob ko ay magsisipuri sa kaniyang banal na pangalan. 2 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko, at huwag mong kalimutan ang lahat niyang mabubuting gawa. 3 Na siyang nagpapatawad ng iyong lahat na mga kasamaan; na siyang …

Mga Awit 104

1 Purihin mo ang Panginoon, Oh kaluluwa ko. Oh Panginoon kong Dios ikaw ay totoong dakila; ikaw ay nabibihisan ng karangalan at kamahalan. 2 Na siyang nagbabalot sa iyo ng liwanag na parang bihisan; na siyang naguunat ng mga langit na parang tabing: 3 Na siyang naglalagay ng mga tahilan …

Mga Awit 105

1 Oh magpasalamat kayo sa Panginoon, kayo’y magsitawag sa kaniyang pangalan; ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan. 2 Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri; salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa. 3 Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan: mangagalak …

Mga Awit 106

1 Purihin ninyo ang Panginoon. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka’t siya’y mabuti; sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 2 Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon, o makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan? 3 Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan, at siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon. 4 …

Mga Awit 57

1 Maawa ka sa akin, Oh Dios, maawa ka sa akin; sapagka’t ang aking kaluluwa ay nanganganlong sa iyo. Oo, sa lilim ng iyong mga pakpak ay manganganlong ako, hanggang sa makaraan ang mga kasakunaang ito. 2 Ako’y dadaing sa Dios na Kataastaasan; sa Dios na nagsagawa ng lahat na …

Mga Awit 58

1 Tunay bang kayo’y nangagsasalita ng katuwiran Oh kayong mga makapangyarihan? Nagsisihatol ba kayo ng matuwid, Oh kayong mga anak ng mga tao? 2 Oo, sa puso ay nagsisigawa kayo ng kasamaan; inyong tinitimbang ang pangdadahas ng inyong mga kamay sa lupa. 3 Ang masama ay naliligaw mula sa bahay-bata: …