1 Panginoon, ikaw ay naging tahanang dako namin sa lahat ng sali’t saling lahi. 2 Bago nalabas ang mga bundok, O bago mo nilikha ang lupa at ang sanglibutan, mula nga ng walang pasimula hanggang sa walang hanggan, ikaw ang Dios. 3 Iyong pinapagiging kapahamakan ang tao; at iyong sinasabi, …
Mga Awit 106
1 Purihin ninyo ang Panginoon. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka’t siya’y mabuti; sapagka’t ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man. 2 Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon, o makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan? 3 Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan, at siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon. 4 …
Mga Awit 91
1 Siyang tumatahan sa lihim na dako ng Kataastaasan. Ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan sa lahat. 2 Aking sasabihin tungkol sa Panginoon, siya’y aking kanlungan at aking katibayan, ang Dios ko na siyang aking tinitiwalaan. 3 Sapagka’t kaniyang ililigtas ka sa silo ng paninilo, at sa mapamuksang salot. 4 …
Mga Awit 92
1 Isang mabuting bagay ang magpapasalamat sa Panginoon, at umawit ng mga pagpuri sa iyong pangalan, Oh Kataastaasan: 2 Upang magpakilala ng iyong kagandahang-loob sa umaga, at ng iyong pagtatapat gabigabi. 3 Na may panugtog na may sangpung kawad, at may salterio; na may dakilang tunog na alpa. 4 Sapagka’t …
Mga Awit 93
1 Ang Panginoon ay naghahari; siya’y nananamit ng karilagan; ang Panginoon ay nananamit ng kalakasan; siya’y nagbigkis niyaon: ang sanglibutan naman ay natatag, na hindi mababago. 2 Ang luklukan mo’y natatag ng una: ikaw ay mula sa walang pasimula. 3 Ang mga baha ay nagtaas, Oh Panginoon, ang mga baha …
Mga Awit 94
1 Oh Panginoon, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, ikaw na Dios na kinauukulan ng panghihiganti, sumilang ka. 2 Bumangon ka, ikaw na hukom ng lupa: ibigay mo sa palalo ang panghihiganti sa kanila. 3 Panginoon, hanggang kailan ang masama, hanggang kailan magtatagumpay ang masama? 4 Sila’y dumadaldal, sila’y …
Mga Awit 95
1 Oh magsiparito kayo, tayo’y magsiawit sa Panginoon: tayo’y magkaingay na may kagalakan sa malaking bato na ating kaligtasan. 2 Tayo’y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat, tayo’y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan. 3 Sapagka’t ang Panginoon ay dakilang Dios, at dakilang Hari sa …
Mga Awit 96
1 Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit: magsiawit kayo sa Panginoon, buong lupa. 2 Magsiawit kayo sa Panginoon, purihin ninyo ang pangalan niya; ihayag ninyo ang kaniyang pagliligtas sa araw-araw. 3 Ipahayag ninyo ang kaniyang kaluwalhatian sa mga bansa ang kagilagilalas niyang mga gawa sa lahat ng mga …
Mga Awit 97
1 Ang Panginoon ay naghahari; magalak ang lupa; matuwa ang karamihan ng mga pulo. 2 Mga ulap at kadiliman ay nasa palibot niya: katuwiran at kahatulan ay patibayin ng kaniyang luklukan. 3 Apoy ay nagpapauna sa kaniya, at sinusunog ang kaniyang kaaway sa buong palibot. 4 Tumatanglaw ang mga kidlat …
Mga Awit 82
1 Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios; siya’y humahatol sa gitna ng mga dios. 2 Hanggang kailan magsisihatol kayo ng kalikuan, at magsisigalang sa mga pagkatao ng masama? (Selah) 3 Hatulan mo ang dukha at ulila: gawan mo ng kaganapan ang napipighati at walang nagkakandili. 4 Sagipin mo …