1 Ang makapangyarihang Dios, ang Dios na Panginoon, ay nagsalita, at tinawag ang lupa mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon. 2 Mula sa Sion na kasakdalan ng kagandahan, sumilang ang Dios. 3 Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya, …
Mga Awit 35
1 Awayin mo, Oh Panginoon, silang nagsisiaway sa akin: lumaban ka sa kanila na nagsisilaban sa akin. 2 Humawak ka ng kalasag at ng longki, at tumayo ka na pinaka tulong sa akin. 3 Kumuha ka rin naman ng sibat, at tumigil ka sa daan laban sa kanila na nagsisihabol …
Mga Awit 51
1 Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang. 2 Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, at linisin mo ako sa aking kasalanan. 3 Sapagka’t kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: …
Mga Awit 36
1 Ang pagsalangsang ng masama ay nagsasabi sa loob ng aking puso: walang takot sa Dios sa harap ng kaniyang mga mata. 2 Sapagka’t siya’y nanghihibo ng kaniyang sariling mga mata, na ang kaniyang kasamaan ay hindi masusumpungan at pagtataniman. 3 Ang mga salita ng kaniyang bibig ay kasamaan at …
Mga Awit 52
1 Bakit ka naghahambog sa kasamaan, Oh makapangyarihang tao? Ang kagandahang-loob ng Dios ay palagi. 2 Ang dila mo’y kumakatha ng totoong masama; gaya ng matalas na pangahit, na gumagawang may karayaan. 3 Iniibig mo ang kasamaan ng higit kay sa kabutihan; at ang pagsisinungaling kay sa pagsasalita ng katuwiran. …
Mga Awit 37
1 Huwag kang mabalisa dahil sa mga manggagawa ng kasamaan, ni managhili ka man sa kanila na nagsisigawa ng kalikuan. 2 Sapagka’t sila’y madaling puputuling gaya ng damo, at matutuyong gaya ng sariwang damo. 3 Tumiwala ka sa Panginoon, at gumawa ka ng mabuti; tumahan ka sa lupain, at gawin …
Mga Awit 53
1 Ang mangmang ay nagsabi sa puso niya, Walang Dios. Nangapahamak sila, at nagsigawa ng kasuklamsuklam na kasamaan; walang gumawa ng mabuti. 2 Tinunghan ng Dios ang mga anak ng mga tao mula sa langit, upang tignan kung may sinomang nakakaunawa, na humanap sa Dios. 3 Bawa’t isa sa kanila …
Mga Awit 38
1 Oh Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong pag-iinit: ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob. 2 Sapagka’t ang iyong mga pana ay nagsitimo sa akin, at pinipisil akong mainam ng iyong kamay. 3 Walang kagalingan sa aking laman dahil sa iyong pagkagalit; ni …
Mga Awit 54
1 Iligtas mo ako, Oh Dios, sa pamamagitan ng iyong pangalan. At hatulan mo ako sa iyong kapangyarihan. 2 Dinggin mo ang aking dalangin, Oh Dios; pakinggan mo ang mga salita ng aking bibig. 3 Sapagka’t ang mga tagaibang lupa ay nagsibangon laban sa akin, at ang mga mangdadahas na …
Mga Awit 7
1 Oh Panginoon kong Dios, sa iyo nanganganlong ako. Iligtas mo ako sa lahat na nagsisihabol sa akin, at palayain mo ako: 2 Baka lurayin nila na gaya ng leon ang aking kaluluwa, na lurayin ito, habang walang magligtas. 3 Oh Panginoon kong Dios, kung ginawa ko ito; kung may …