Mga Awit 23

1 Ang Panginoon ay aking pastor; hindi ako mangangailangan. 2 Kaniyang pinahihiga ako sa sariwang pastulan: pinapatnubayan niya ako sa siping ng mga tubig na pahingahan, 3 Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa: pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran alangalang sa kaniyang pangalan. 4 Oo, bagaman ako’y lumalakad sa …

Mga Awit 8

1 Oh Panginoon, aming Panginoon, pagkarilag ng iyong pangalan sa buong lupa! na siyang naglagay ng inyong kaluwalhatian sa mga langit. 2 Mula sa bibig ng mga sanggol at ng mga sumususo ay iyong itinatag ang kalakasan, dahil sa iyong mga kaaway, upang iyong patahimikin ang kaaway at ang manghihiganti. …

Mga Awit 24

1 Ang lupa ay sa Panginoon at ang buong narito; ang sanglibutan, at silang nagsisitahan dito. 2 Sapagka’t itinatag niya sa ibabaw ng mga dagat, at itinatayo sa ibabaw ng mga baha. 3 Sinong aahon sa bundok ng Panginoon? At sinong tatayo sa kaniyang dakong banal? 4 Siyang may malinis …

Mga Awit 9

1 Ako’y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso; aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa. 2 Ako’y magpapakasaya at magpapakagalak sa iyo: ako’y aawit ng pagpuri sa iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan. 3 Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik, sila’y matitisod at malilipol sa …

Mga Awit 25

1 Sa iyo, Oh Panginoon, iginagawad ko ang aking kaluluwa. 2 Oh Dios ko sa iyo’y tumiwala ako, huwag nawa akong mapahiya; huwag nawang magtagumpay sa akin ang aking mga kaaway. 3 Oo, walang naghihintay sa iyo na mapapahiya; sila’y mangapapahiya na nagsisigawa ng karayaan ng walang kadahilanan, 4 Ituro …

Mga Awit 10

1 Bakit ka tumatayong malayo, Oh Panginoon? Bakit ka nagtatago sa mga panahon ng kabagabagan? 2 Sa kapalaluan ng masama ang dukha ay hinahabol na mainam; mahuli nawa sila sa mga lalang na kanilang inakala. 3 Sapagka’t ang masama ay nagmamalaki sa nais ng kaniyang puso, at ang mapagimbot ay …

Mga Awit 26

1 Iyong hatulan ako Oh Panginoon, sapagka’t ako’y lumakad sa aking pagtatapat: ako naman ay tumiwala sa Panginoon, na walang bulay-bulay. 2 Siyasatin mo ako, Oh Panginoon, at iyong subukin ako; subukin mo ang aking puso at ang aking isip. 3 Sapagka’t ang iyong kagandahang-loob ay nasa harap ng aking …

Mga Awit 11

1 Sa Panginoon ay nanganganlong ako: ano’t inyong sinasabi sa aking kaluluwa, tumakas ka na gaya ng isang ibon sa iyong bundok? 2 Sapagka’t, narito, binalantok ng masama ang busog, kanilang inihahanda ang kanilang palaso sa bagting, upang kanilang mapahilagpusan sa kadiliman ang matuwid sa puso, 3 Kung ang mga …

Mga Awit 27

1 Ang Panginoon ay aking liwanag, at aking kaligtasan: kanino ako matatakot? Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak? 2 Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman, ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila’y nangatisod at nangarapa. 3 …

Mga Awit 12

1 Tumulong ka, Panginoon, sapagka’t ang banal na tao ay nalilipol; sapagka’t nagkukulang ng tapat sa gitna ng mga anak ng mga tao. 2 Sila’y nangagsasalitaan bawa’t isa ng kabulaanan, sa kanikaniyang kapuwa: na may mapanuyang labi, at may giring pulang puso na nangagsasalita. 3 Ihihiwalay ng Panginoon, ang lahat …